14
Nakaw Timpla | Part 4
Matapos ang maikling kamustahan na umali-aligid sa kanilang mga palad na magkadampi, mga daliring sala-salabat, itinuon nila ang pansin sa pagpili ng makakain. Carbonara ang kay Stella, Chicken at pizza with iced tea ang kay Derek. Tubig na lang raw ang inumin ni Stella, tutal, kaka-order niya lang ng kape. Saka, umiiwas siya sa matatamis na inumin ngayon, gaya ng softdrinks at iced tea. Water therapy daw. Detoxification ng system. Pero may yosi at kape pa rin? Basta! Selective detox. Yun na yun, kung ano man yun.