Promdifiction

An attempt to rememblur

Archive for the ‘Nakaw Timpla’ Category

May
15

Discuss Nakaw Timpla Here

Posted by annabs

Now that you’ve read Mabie’s Nakaw Timpla in its entirety, we’d really like to hear your thoughts.

Here you can discuss what you think about the story. Just leave us a note at the comment box.

Keep remembluring. :)

~Annabs

May
15

Nakaw Timpla | Part 5

Posted by annabs

Tinutok ni Stella ang pansin sa foam na dumikit at nanuyo sa gilid ng tasa ng kanyang kape. May halong kulay tsokolate na ito, hindi na tulad kanina na kasing puti ng pulbos na sabong panlaba na bagong bula lamang sa loob ng washing machine. Ngunit hindi pa rin niya napigilan na mapansin ang pag-iba ng upo ni Derek. Nakaharap na siya sa labas, animo’y nagmamasid ng hacienda niyang binabaha. Kaswal ang hawak ng cellphone sa kanyang tenga, at ang kaliwang siko ay nakapatong sa sandalan ng silya. Magkatabi pa rin naman sila, pero ramdam ni Stella ang milya-milyang nilayo ni Derek mula sa kanya. Samantala sa labas, tuloy pa rin ang paghagupit ng halakhak ng kalangitan kay Stella.

Muli niyang hinawakan ang tasa. May init pa rin, ngunit hindi na kasing tindi noong una itong ihain sa kanya.

Read the rest of this entry »

May
14

Nakaw Timpla | Part 4

Posted by annabs

Matapos ang maikling kamustahan na umali-aligid sa kanilang mga palad na magkadampi, mga daliring sala-salabat, itinuon nila ang pansin sa pagpili ng makakain. Carbonara ang kay Stella, Chicken at pizza with iced tea ang kay Derek. Tubig na lang raw ang inumin ni Stella, tutal, kaka-order niya lang ng kape. Saka, umiiwas siya sa matatamis na inumin ngayon, gaya ng softdrinks at iced tea. Water therapy daw. Detoxification ng system. Pero may yosi at kape pa rin? Basta! Selective detox. Yun na yun, kung ano man yun.

Read the rest of this entry »

May
11

Nakaw Timpla | Part 3

Posted by annabs

Hindi tinaas ni Stella ang kamay niya para tawagin ang pansin ni Derek. Tahimik lang siyang nakatingin dito, hinihintay na makita siya. Saglit lang naman ang kanyang paghihintay.

“Hi,” sambit ni Derek, sabay tanim ng halik sa pisngi ni Stella bago umupo sa silyang kanina lamang ay kinahihimlayan ng bag.

“Hi,” sagot ni Stella. Hindi pansin sa kanyang tono, ngunit ang kanyang sagot ay may kasamang kilig at yabang sa bating binungad sa kanya ni Derek.

Read the rest of this entry »

May
09

Nakaw Timpla | Part 2

Posted by annabs

Naipon na ang mga sasakyang nakahinto sa kalsada. Lahat ay naiinip dahil sa trapiko. Ang iba ay malayo ang takbo ng isip habang ang katawan nila ay nakakulong sa loob ng sasakyan. Mayroon din namang bakas sa mukha ang pangamba habang nakatingin sa langit at pinapanood ang palakas ng palakas na bagsak ng ulan. Hindi na bago ang ganitong eksena. Kahit saan sa Maynila, konting ulan lang, traffic na. Parang automatic na dahilan iyon para sa mga Pilipino na magdupangan sa kalsada at gumawa ng kabugnot-bugnot na buhol sa trapiko. Parang isang malaking laro ng Dr. Quak-Quak, ngunit walang nasisiyahan.

Read the rest of this entry »

May
07

Nakaw Timpla | Part 1

Posted by annabs

Agosto, sa isang coffee shop sa kahabaan ng Espanya.

Mahina ang hangin na nagmumula sa aircon, ngunit hindi ito hadlang upang lamigin si Stella. Kinagat nya ng marahan ang kanyang labi. Ramdam niya ang panunuyo at hapdi.Idinungaw nya ng bahagya ang kanyang dila at patagong ginuhit ang laway sa namimitak at namumutlang nguso. Itinaas nya ang kwelyo ng kanyang maong na jacket at saka binalot ang paminsan-minsa’y nanginginig na katawan sa init nito. Napatingala siya nang may lumapit na lalaking naka-itim.

Read the rest of this entry »