May
07
07
Nakaw Timpla | Part 1
Posted by annabs
Agosto, sa isang coffee shop sa kahabaan ng Espanya.
Mahina ang hangin na nagmumula sa aircon, ngunit hindi ito hadlang upang lamigin si Stella. Kinagat nya ng marahan ang kanyang labi. Ramdam niya ang panunuyo at hapdi.Idinungaw nya ng bahagya ang kanyang dila at patagong ginuhit ang laway sa namimitak at namumutlang nguso. Itinaas nya ang kwelyo ng kanyang maong na jacket at saka binalot ang paminsan-minsa’y nanginginig na katawan sa init nito. Napatingala siya nang may lumapit na lalaking naka-itim.
Add comments